Louisse Kole Oxford is a wedding planner who escaped her own wedding. Ang rason niya ay baka hindi niya mapanindigan ang pag-aasawa dahil hindi pa nito nagagawa ang lahat ng gusto kahit na natupad na ang lahat ng kanyang mga pangarap. Nagpunta siya sa isang lugar kung saan walang sinuman ang nakakakilala sa kanya para takasan ang kanyang mga problema at ang mga taong humuhusga sa kanya. Ang gusto niya lang ay magpahinga at makapag-isip isip ng mga bagay na dapat niyang gawin. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, mayroong isang tao na siyang gugulo mismo sa kanyang buhay.